Los Baños emerged as CHAMPION in the Sayawit Competition 2026 during the Anilag Festival Level Up 2026 Sing and Dance Competition (March 17, 2026)
Isang napakalaking karangalan at tagumpay ang muling iniuwi ng Bayan ng Los Baños matapos tanghaling CHAMPION sa SAYAWIT Competition 2026 sa ginanap na Anilag Festival Level Up 2026 Sing and Dance Competition nitong ika-17 ng Marso 2026. Ipinamalas ng Los Baños Sayawit Team ang natatanging husay, disiplina, at malikhaing pagsasanib ng awit at sayaw na sumasalamin sa mayamang kultura at angking galing ng mga Los Bañense.
Taos-pusong pagbati sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa walang humpay na paggabay, sa Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Ms. Edmarie Calungsod sa buong pusong pagsuporta, kina Coach Ra’John Buena Panopio, Coach Ivan Boloron, at Coach Jason Niño Garcia sa mahusay na pamamatnubay, at higit sa lahat sa bawat miyembro ng Los Baños Sayawit Team sa kahanga-hangang dedikasyon at walang kapantay na pagsusumikap. Maraming salamat sa pagbibigay-dangal at sa patuloy na pag-angat ng pangalan ng Los Baños. Isang mariing pagpupugay sa inyong lahat. Abante, Los Bañense!
#LosBañosSayawitTeam
#SAYAWITCompetition2026Champion
#SAYAWITCompetition2026
#AnilagFestivalLevelUp2026
#SingAndDanceCompetition
#AbanteLosBañense
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
