UPLB CHE-IHNF students conducted a courtesy visit ahead of the Barangay Management Information Survey (BMIS) in Los Baños (March 16, 2026)
Isang masiglang courtesy visit kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang isinagawa ng dalawampu’t tatlong (23) mag-aaral mula sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) College of Human Ecology–Institute of Human Nutrition and Food (CHE-IHNF), sa pangunguna ni Institute Director Liezl M. Atienza, RND, PhD, sa gabay ni HNF 142 Coordinator Ana Lorraine D. Dela Vega, at ng mga Faculty-in-Charge na sina Aileen R. De Juras, Genrev A. Esguerra, at Arven John Pasia, katuwang si Municipal Nutrition Action Officer Madeleine Alforja. Ang pagbisita ay kaugnay ng isasagawang Barangay Management Information Survey (BMIS) sa iba’t ibang barangay ng Los Baños mula ika-16 ng Marso hanggang ika-10 ng Abril ng kasalukuyang taon.
Bahagi ng kanilang akademikong gawain sa kursong HNF 142: Public Health Nutrition ang nasabing inisyatiba, na naglalayong makalikom ng mahahalagang datos bilang batayan sa pagpapalakas at pagpapahusay ng mga programang pangnutrisyon at pangkalusugan sa bayan. Nagpahayag naman ng suporta ang Pamahalaang Bayan sa naturang panukala, bilang pagkilala sa kahalagahan ng ugnayan ng akademya at lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mas makabuluhan at inklusibong mga programa para sa bayan.
#BarangayManagementInformationSurvey
#UPLBCHEIHNF
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
