MENU
Philippine Standard Time:
2ND PUBLIC CONSULTATION FOR THE PROPOSED TRANSFER STATION SA UPPER DAMPALIT, BRGY. BAMBANG, ISINAGAWA
Published date: Jul 19, 2021
2ND PUBLIC CONSULTATION FOR THE PROPOSED TRANSFER STATION SA UPPER DAMPALIT, BRGY. BAMBANG, ISINAGAWA

Isinagawa kahapon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa DPWH Covered Court ang Ikalawang Public Consultation hinggil sa Proposed Transfer Station sa Upper Dampalit, Brgy. Bambang.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng nasa 66 na stakeholder mula sa Brgy. Bambang, DPWH, DENR-PENRO at 14 na opisyal ng Munisipyo kabilang na ang mga konsehal at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.

Sa naturang aktibidad ay ipinaliwanang ni Municipal Administrator Atty. Robert T. Laviña ang background at rationale ng proyekto habang iprinisinta naman ni Municipal Engineer Ricky Estopace ang proposed design ng Transfer Station.

Hinikayat din sa naturang kosultasyon ang mga stakeholder na magtanong at magbigay ng kanilang mga komento hinggil sa naturang proyekto sa isinagawang open forum.

 500 Total Views

Related: