Newly elected and appointed Sangguniang Kabataan (SK) officials of Los Baños took their oath of office (March 16, 2026)
Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, pormal na nanumpa sa katungkulan nitong Marso 16, 2026 (Lunes) sa kanyang tanggapan ang mga bagong halal at itinalagang Sangguniang Kabataan (SK) Officials ng Los Baños mula sa iba’t ibang barangay. Taimtim na nanumpa sina Kgg. Andreahrose V. Alcala, Kgg. Alberto P. Dumagais, Kgg. Andrei Miguel G. Isla, at Kgg. Randy Tampos ng Brgy. Anos; SK Secretary Margyweth Caramihan ng Brgy. Mayondon; SK Vinze Denzel B. Buquid ng Brgy. Bambang; SK Treasurer Alyssa Crizza Onigo ng Brgy. Timugan; at SK Treasurer Patricia Marisen A. Gavilan ng Brgy. Bambang.
Dinaluhan at sinuportahan ang seremonya nina OIC-LYDO Revilyn Perez at SK Federation President Kgg. Samantha Nicole B. Ortega bilang pagpapakita ng pagkakaisa at suporta sa mas pinalakas na pamumuno ng kabataang Los Bañense.
Sa pamamagitan ng panunumpang ito, muling pinagtitibay ang mahalagang papel ng kabataan sa pagsusulong ng aktibong pamumuno, makabuluhang partisipasyon, at patuloy na pag-abante ng mga programa para sa kapakanan ng bawat kabataang Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
