MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park feat, Vince, Pareng Don, Compere Paranoia, Migz, Colaryen, Audrey, and Evan (March 15, 2026)
Published date: Mar 15, 2026
Los Baños Sunset at the Park feat, Vince, Pareng Don, Compere Paranoia, Migz, Colaryen, Audrey, and Evan (March 15, 2026)

Isang gabi ng musika at aliw ang hatid ng Los Baños Sunset at the Park: Benefit Gig na ginanap nitong Marso 15, 2026 (Linggo). Habang unti-unting lumulubog ang araw, pinuno ng magagandang himig ang entablado sa mga performances nina Vince, Pareng Don, Compere Paranoia, Migz, Colaryen, Audrey, at Evan na nagbigay ng buhay at sigla sa mga dumalong Los Bañense.

Ang programa ay bahagi ng inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na patuloy na nagtataguyod ng mga aktibidad na nagbibigay-entablado sa lokal na talento at nagpapasigla ng turismo. Sa pamamagitan rin nito, lalo pang pinayayabong ang kultura ng sining, musika, at sama-samang saya sa bayan ng Los Baños.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 314 Total Views

Related:


;