Barangay San Antonio, Los Baños held its 1st Semester 2026 Barangay Assembly and supported by local officials (March 14, 2026)
Dumalo at nagbigay ng suporta si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa ginanap na 1st Semester 2026 Barangay Assembly ng Barangay San Antonio sa pamumuno ni Brgy. Captain Relly Palis na may temang “Nagkakaisang Barangay tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan, at Kaunlaran” nitong Marso 14, 2026 (Sabado) sa San Antonio New Multi-Purpose Gymnasium/Evacuation Center. Nagbigay ng mga mensahe ng suporta ang mga kinatawan ng iba't ibang Pamahalaang tanggapan at ng Philippine National Police, habang ipinaabot naman ng kinatawan ng DILG Field Office ang kahalagahan ng pakikiisa ng mamamayan sa mga programa ng barangay.
Bahagi rin ng programa ang State of the Barangay Address at ulat ng Sangguniang Kabataan accomplishments at mga susunod na plano para sa komunidad. Dumalo rin at nagpakita ng suporta sina 2nd District of Laguna Representative Hon. Ramil Hernandez, Vice Mayor Hon. Marlo PJ Alipon, Hon. Councilor Aldous Perez, at Hon. Councilor Jay Rolusta, kasama ang mga opisyal ng DILG, kawani ng pamahalaang bayan, at mga kinatawan ng barangay, bilang patunay ng sama-samang pagkilos tungo sa kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng pamayanan.
#1stSemester2026BarangayAssembly
#BrgySanAntonio
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
