MENU
Philippine Standard Time:
MDRRMC OPLAN SUMVAC 2026 Stakeholders Preparedness Meeting held in Los Baños (March 13, 2026)
Published date: Mar 13, 2026
MDRRMC OPLAN SUMVAC 2026 Stakeholders Preparedness Meeting held in Los Baños (March 13, 2026)

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang MDRRMC OPLAN SUMVAC 2026 Stakeholders Preparedness Meeting bilang bahagi ng paghahanda para sa “Oplan Ligtas SumVac” (Safe Summer Vacation) 2026 ng Philippine National Police (PNP), isang taunang kampanyang panseguridad na ipatutupad ngayong taon mula ika-29 ng Marso hanggang ika-31 ng Mayo upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Holy Week at kasagsagan ng summer season. Dinaluhan ito ng mga mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, uniformed personnel, at mga katuwang na ahensya kung saan tinalakay at pinagtibay ang mga hakbang sa kahandaan, koordinasyon, at pagtugon sa mga inaasahang pagdagsa ng mga bisita at aktibidad sa mga darating na okasyon.

Patunay ang pagtitipong ito na sa Los Baños, ang maagap na kahandaan at matibay na pagtutulungan ang lakas ng isang ligtas at maayos na bayan. 

#MDRRMCstakeholdersMeeting

#SUMVAC2026

#OplanLigtasSUMVAC2026

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 617 Total Views

Related:


;