MENU
Philippine Standard Time:
JUDGING AT AWARDING NG HOME GROWN VEGETABLE RECIPE COOKING CONTEST SEASON 2, IDINAOS
Published date: Jul 19, 2021
JUDGING AT AWARDING NG HOME GROWN VEGETABLE RECIPE COOKING CONTEST SEASON 2, IDINAOS

Idinaos ngayong araw sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng Tanggapan ng Nutrisyon ang Judging at Awarding ng Home Grown Vegetable Recipe Cooking Contest Season 2.

Ang patimpalak na ito ay nilahukan ng mga barangay sa bayan ng Los Baños. Nagsilbing hurado dito sina Kgg. Mark Lester Dizon, Bb. Judy L. Melicio ng DNCP-Laguna at Bb. Angelica L. Martinez, Pangulo ng Federation of RIC Workers.

Nakamit ng Brgy. Tuntungin-Putho sa pamamagitan ni Marilou Pascua na nagluto ng kanyang Veggie Tofu Con Tuna ang Ikatlong Pwesto, Sauteed Mushroom with Veggies naman ang naging pambato ni Merlisa Ligero ng Brgy. Anos at nagkamit ng Ikalawang Pwesto habang Vegetable Dumpling naman ang naging daan upang magwagi si Sharon Gonzales ng Brgy. Malinta ng Unang Pwesto at Most Number of Reactions in Social Media.

Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling tanim na gulay sa sariling tahanan.

Sa pamamagitan ng pag-share sa social media ng masusustansiyang recipe na ito, maaari ring makapagluto ng mga masusustansiyang pagkain ang mga residente ng Los Banos.

Malaki ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Los Banos sa pangunguna ni Mayor Antonio “Kuya Tony” L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Nutrisyon sa lahat ng mga nakiisa sa Home Grown Vegetable Recipe Cooking Contest.

Hinihikayat naman ni Municipal Nutrition Officer Madeleine Alforja ang bawat pamilya na magkaroon ng sariling tanim sa kani-kanilang mga tahanan dahil bukod sa ito ay libre, ito rin masustansiya.

Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may Temang: “Malnutrisyon Patuloy Na Labanan, First 1000 Days Tutukan!”

 601 Total Views

Related: