MENU
Philippine Standard Time:
New Acting Jail Warden of Los Baños Municipal Jail paid courtesy call to Mayor Neil Andrew N. Nocon (March 13, 2026)
Published date: Mar 13, 2026
New Acting Jail Warden of Los Baños Municipal Jail paid courtesy call to Mayor Neil Andrew N. Nocon (March 13, 2026)

Pormal na nagbigay-galang sa tanggapan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong Marso 13, 2026 (Biyernes) si JINSP Joel Pamfilo N. Del Rosario, ang bagong Acting Jail Warden ng Los Baños Municipal Jail. Buong pusong nagpaabot ng kahandaang makipagtulungan sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños si JINSP Del Rosario upang mapanatili ang seguridad ng bayan.

Ipinahayag naman ni Mayor Nocon ang kanyang suporta sa mga programa at inisyatiba ng BJMP na nakatuon sa maayos na pamamahala ng kulungan at rehabilitasyon ng mga persons deprived of liberty (PDLs). Sumasalamin ito sa pinag-ibayong ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan upang higit pang mapalakas ang kapayapaan, kaayusan, at serbisyo publiko sa bayan ng Los Baños.

#NewJailWarden

#LosBañosMunicipalJail

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 518 Total Views

Related:


;