1st Learner's Research Congress for Senior High School (BLAZE: Building Los Baños Academic Research for Zone-Wide Excellence) successfully held in Los Baños (March 13, 2026)
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa 1st Learner’s Research Congress for Senior High School na pinamagatang “BLAZE: Building Los Baños Academic Research for Zone-Wide Excellence,” na inilunsad ng DepEd Los Baños Sub-Office, Division of Laguna, ang kauna-unahang kongreso ng pananaliksik para sa mga mag-aaral ng Senior High School sa buong Laguna. Isinagawa ang programa nitong Marso 13, 2026 (Biyernes) sa Los Baños Central Elementary School na may temang "Responsible and Ethical Use of AI in Academic Research." Pinalawak nito ang kaalaman ng mga kabataang mananaliksik sa mga makabagong pamamaraan at responsableng paggamit ng artificial intelligence sa akademya.
Sa kanyang mensahe, nilahad ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang kahalagahan ng pananaliksik at makabagong teknolohiya sa paghuhubog ng kritikal na pag-iisip at integridad ng mga kabataan, lalo na sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence. Nagbibigay rin ng mensahe sina PSDS Los Baños Soledad S. Villanueva, at SEPS–Research Arvie Celeste M. Rubio. Samantala, pinangunahan ni Kyla P. Suba ang daloy ng programa, kung saan nagbigay ng Welcome Remarks si Los Baños Central Elementary School School Head Rogel E. Barcenas, at inilahad ni Master Teacher II Richie P. Apacionado ng Bambang SHS ang Statement of the Purpose ng kongreso.
Ipinakilala naman ni Research Coordinator Rosevelle B. Tandang ng Bayog SHS ang Keynote Speaker na si Dr. Kristina Andrea S. De Ramos, University Research Associate II mula sa UPLB College of Veterinary Medicine, na nagbahagi ng mahahalagang pananaw hinggil sa responsableng paggamit ng AI sa academic research. Tampok din sa programa ang Presentation of Research, Open Forum, at Awarding Ceremony. Nagbigay naman ng Research Challenge si Coordinator Gladys Lambayong ng LBSHS, na tinanggap ni Student Researcher Alzea Nicole Bautista mula sa Bayog SHS. Nagkaroon rin ng pagpaparangal sa mga natatanging research sa iba't ibang kategorya. Nagtapos ang programa sa mensahe ni SH Research Coordinator Dr. Marvin A. Umali ng Los Baños Sub-office, bilang paglalagom sa isang makabuluhang pagtitipon na nagbigay-daan upang higit pang mapaunlad ang husay ng mga kabataang mananaliksik sa Los Baños.
#1stLearnersResearchCongress
#BLAZE
#ResponsibleAndEthicalUseOfAI
#DepEdLBSubOffice
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
