Memorandum of Agreement (MOA) signed between Los Baños and Laguna State Polytechnic University (LSPU) to advance collaboration on education and development initiatives (March 12, 2026)
Isang pormal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang isinagawa sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) – Los Baños Campus sa pangunguna naman ng University President na si Dr. Mario R. Briones, kasama ang mga kawani ng unibersidad at pamahalaang tanggapan nitong Marso 12, 2026 (Huwebes) sa Mayor’s Conference Room. Ang kasunduang ito ay higit pang nagpapatibay sa ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng akademikong institusyon para sa pagpapatupad ng mga key development projects sa bayan.
Inaasahang maisusulong sa pamamagitan ng pagtutulungang ito ang mga programang nakatuon sa pananaliksik, edukasyon, community extension, at iba pang proyektong makatutulong sa pagpapabuti ng serbisyo at pag-unlad ng bayan ng Los Baños.
#MemorandumOfAgreementSigning
#LSPULosBañosCampus
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
