Emergency meeting of Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) in Los Baños held to discuss contingency measures amid Middle East Crisis (March 12, 2026)
Ginanap nitong Marso 12, 2026 (Huwebes) ang Emergency Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Los Baños sa Mayor’s Conference Room. Ang pagpupulong ay inisyatiba ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at ng MDRRM Office sa pamumuno ni Ms. Cynthia Quintans, na dinaluhan ng mga miyembro ng konseho mula sa iba't ibang tanggapan. Tinalakay at pinlano sa pulong ang mga contingency measures kaugnay ng umiiral na krisis sa Middle East upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng ating bayan.
Kasunod ng pagpupulong, isinagawa rin ng mga opisyal ang inspeksyon sa Los Baños Operations Center upang masiguro ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga plano at serbisyo para sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng sama-samang koordinasyon at maagap na aksyon, patuloy na pinapakita ng Pamahalaang Bayan ang dedikasyon sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Los Bañense.
#MDRRMCLosBaños
#MDRRMOLosBaños
#LosBañosOperationsCenter
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
