MENU
Philippine Standard Time:
First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) conducted in Los Baños to promote safety awareness and emergency readiness (March 12, 2026)
Published date: Mar 12, 2026
First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) conducted in Los Baños to promote safety awareness and emergency readiness (March 12, 2026)

Upang mapanatili ang kahandaan at kaligtasan ng bayan sa panahon ng sakuna, aktibong nakibahagi sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon na isinagawa nitong Huwebes, Marso 12, 2026, ganap na alas-3:30 ng hapon. Ang aktibidad ay higit pang pinalakas ang kamalayan at kahandaan ng mga kawani sa tamang pagtugon sa oras ng lindol at iba pang panganib.

Kasabay ng drill, sabay-sabay na isinagawa ng mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ang ‘Duck, Cover, and Hold,’ na nagpatibay sa kanilang kaalaman, disiplina, at koordinasyon sa harap ng mga hindi inaasahang pangyayari, dahil ligtas ang bayan kung handa ang mamamayan.

#NationwideSimultaneousEarthquakeDrill

#1stQuarter2026NSED

#NSED2026

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 680 Total Views

Related:


;