Memorandum of Agreement (MOA) signed between the Municipality of Los Baños and Summit Sports Academy to bolster youth sports training initiatives (March 12, 2026)
Bilang hakbang tungo sa paghubog ng mas aktibo at disiplinadong kabataang Los Bañense, isinagawa nitong Marso 12, 2026 (Huwebes) sa Mayor’s Conference Room ang pormal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Summit Sports Academy (SSA) Los Baños, isang pribadong organisasyong nakatuon sa sports training, youth development, at iba't ibang athletic programs. Pinangunahan ito ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama sina Chief of Staff Anatoly Guinto at Local Youth Development Officer Revilyn Perez, na nakipagkasundo sa SSA Founder na si Engr. Darmilo Sosa at SSA Secretary Vicente R. Tamis Jr.
Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, magkakaroon ang kabataang Los Bañense ng mas maraming oportunidad upang tuklasin at paunlarin ang kanilang talento sa palakasan, matutunan ang kahalagahan ng disiplina, at hubugin ang kanilang kakayahang maghahanda para sa kanilang mas matagumpay at maunlad na kinabukasan.
#SummitSportsAcademy
#MemorandumOfAgreementSigning
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
