DepEd Laguna officials experienced Lakbay Los Baños Heritage Walk, Sunset at the Park, and War of Our Fathers Exhibit (March 10, 2026)
Magiliw na sumailalim ang mga kinatawan ng DepEd Schools Division ng Laguna sa Lakbay Los Baños Heritage Walk na pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Marso 10, 2026 (Martes), kung saan nagkaroon sila ng natatanging pagkakataon na mabisita ang mga makasaysayang lugar sa Los Baños at masilayan ang yaman ng kasaysayan, kultura, at sining ng bayan. Ang mga kalahok ay binuo ng mga Schools Division Superintendents (SDS), Assistant Schools Division Superintendents (ASDS), mga Schools Governance and Operations Division (SGOD) Chiefs, Curriculum Implementation Division (CID), Education Program Supervisors (EPS), Public Schools District Supervisors (PSDS), at mga Public Elementary at Secondary School Heads.
Nasaksihan rin nila ang Los Baños Sunset at the Park sa General Paciano Rizal Park na nagtampok sa kagandahan ng dapithapon sa Los Baños at pinasigla ng magagandang musika nina Ira, Lucky, at Maestro Marlon. Natunghayan naman nila sa Municipal Activity Area ang “War of Our Fathers: A Brotherhood of Heroes” exhibit ng Philippine Veterans Bank, Philippine Veterans Affairs Office, at MGLB bilang bahagi ng ika-81 taong anibersaryo at pagunita ng pagpapalaya sa bilangguang kampo ng Los Baños. Ang mga programang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na ipakilala ang mayamang kasaysayan at kultura ng bayan, na nakapagbigay ng masaya at hindi malilimutang karanasan sa mga kalahok na guro at mga pinuno ng paaralan.
#LakbayLosBaños
#HeritageWalk
#SunsetAtThePark
#WarOfOurFathersExhibit
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
