Lakbay Los Baños Heritage Walk conducted with DOT Region IV-A officials and CALABARZON Tour Guiding Course 2026 participants (March 10, 2026)
Muling tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, ang ilan sa mga kawani ng Department of Tourism Region IV-A kasama ang mga kalahok ng CALABARZON Regional Tour Guiding Course 2026 para sa kanilang Teaching Tour at Mock Tour nitong umaga ng Marso 10, 2026.
Bahagi ng aktibidad na ito ang pagbisita sa mga mahahalagang pook na kabilang sa Lakbay Los Baños Heritage Walk, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na maipamalas ang kanilang kaalaman at kasanayan sa paggagabay sa mga turista.
Patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang suporta nito sa mga programang naglalayong mapalakas ang turismo at mapaunlad ang kakayahan ng mga tour guide sa rehiyon ng CALABARZON, bilang bahagi ng pagsisikap na maitaguyod ang mayamang kasaysayan, kultura, at likas na yaman ng bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
