MENU
Philippine Standard Time:
DepEd Laguna MANCOM FY 2026 convened in Los Baños with strong local government and education sector participation (March 10, 2026)
Published date: Mar 10, 2026
DepEd Laguna MANCOM FY 2026 convened in Los Baños with strong local government and education sector participation (March 10, 2026)

Mainit na nakibahagi ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa kauna-unahang Division Management Committee (MANCOM) para sa Fiscal Year (FY) 2026, na ginanap nitong Marso 10 (Martes) sa Caesar P. Perez (CPP) Memorial Stadium and Evacuation Center. Ang pagtitipon ay may temang “Integrity in Action, Influence with Purpose,” at dinaluhan ng mahigit apat na daang mga guro mula sa DepEd Schools Division ng Laguna kabilang ang mga Schools Division Superintendents (SDS), Assistant Schools Division Superintendents (ASDS), Schools Governance and Operations Division (SGOD) Chiefs, Curriculum Implementation Division (CID) Chiefs, Education Program Supervisors (EPS), Public Schools District Supervisors (PSDS), at mga Public Elementary at Secondary School Heads.

Binuksan ang programa ng isang makabuluhang mensahe ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, malasakit, at matibay na liderato sa edukasyon. Nagbahagi rin ng mensahe si 2nd District of Laguna Representative Ramil Hernandez, na nagpahayag ng matatag na suporta sa edukasyon at hinikayat ang mga guro, paaralan, at kabataan na patuloy na magsikap para sa mas maunlad na kinabukasan ng Laguna. Isinagawa rin ang seedling turnover sa pakikipagtulungan ng DENR-PENRO Laguna sa pangunguna ni Provincial Environment and Natural Resources (PENR) Officer Venerando U. Garcia, na nagbigay ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at pagtuturo sa kabataan ng responsableng pamumuhay.

Pinangunahan naman ni Schools Division Superintendent Dr. Editha M. Atendido, CESO V ang presentasyon ng agenda, kung saan kanyang ipinaliwanag ang mga hakbang at programa ng mga paaralan upang higit na pagpapahusay ang kalidad ng edukasyon. Kasunod nito, nagkaroon ng masinsinang talakayan ukol sa pagpapalakas ng edukasyon, paghahanda para sa nalalapit na pagtatapos ng klase, at epektibong pagtugon sa mga hamon ng makabagong paaralan. Ilan sa mga nanguna sa programa sina PSDS Soledad S. Villanueva, PSDS Rona I. Aguja, ASDS Jaypee E. Lopo CESE, AO V Angela F. Latina, Chief SGOD Dr. Darwin S. Talambayan, Chief CID Dr. Orlando T. Valverde, ASDS Buddy Chester M. Repla CESO VI, PSDS Florante A. Francisco, PSDS Gisela I. Pingad at iba pang kawani ng DepEd Schools Division ng Laguna.

Ang matagumpay na pagtitipon ay patunay ng sama-samang hangarin ng lokal na pamahalaan at edukasyong pamayanan para sa kalidad at responsableng pamumuno sa mga paaralan upang bawat mag-aaral sa Laguna ay magkaroon ng inspiradong pagkatuto at umaabanteng kinabukasan.

#1stDivisionMANCOMmeeting2026

#DepEdSchoolsDivisionLaguna

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 514 Total Views

Related:


;