MENU
Philippine Standard Time:
ANNOUNCEMENT: Adoption of a four-day workweek arrangement at the Municipal Government of Los Baños (effective March 9, 2026)
Published date: Mar 9, 2026
ANNOUNCEMENT: Adoption of a four-day workweek arrangement at the Municipal Government of Los Baños (effective March 9, 2026)

📢 ANUNSYO SA PUBLIKO: PAGPAPATUPAD NG FOUR (4)-DAY WORKWEEK ARRANGEMENT SA PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS

Ipinababatid ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagpapatupad ng Four (4)-Day Workweek Arrangement alinsunod sa Memorandum Order No. 2026–0029 na nilagdaan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon epektibo ngayong Marso 9, 2026 (Lunes). Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 114 na inilabas noong Marso 6, 2026 bilang pagsuporta sa mga hakbang sa pagtitipid at pangangalaga sa enerhiya sa pasilidad ng pamahalaan habang patuloy na tinitiyak ang maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa ilalim ng bagong schedule, ang mga tanggapan ng pamahalaang bayan ay magbubukas mula Lunes hanggang Huwebes lamang, kung saan ang mga empleyado ay magtatrabaho ng 10 oras kada araw (flexible 7:00 AM to 6:00 PM or 8:00 AM to 7:00 PM). Ang nasabing alituntunin ay sasaklaw sa lahat ng empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños kabilang ang permanent, casual, coterminus, contract of service, at job order personnel.

Gayunman, upang matiyak na hindi maaantala ang mahahalagang serbisyo para sa mga kliyente at mamamayan, mananatili sa regular na Monday to Friday schedule ang mga tanggapan na nagbibigay ng essential at frontline services tulad ng Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Public Safety Office (MPSO) kabilang ang LBTMO, Municipal Guards, Special Operations Group, Municipal Peace and Order Task Force, at Operation Center. Patuloy ding magseserbisyo ang Municipal Engineering Office (MEO) para sa mga mahahalagang operasyon, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at General Services Office (GSO) para sa waste management at sanitation services, at Economic Enterprise Office kabilang ang Public Market at Slaughterhouse.

Hinihiling ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko sa pagpapatupad ng bagong iskedyul na ito. Sa kabila ng pagbabago, nananatiling pangunahing layunin ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayang Los Bañense.

#FourDayWorkweekArrangement
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños 

 437 Total Views

Related:


;