MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony and Launching of the Angat Bayi: Transformative Feminist Leadership Program for Women in Los Baños, Laguna (March 9, 2026)
Published date: Mar 9, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony and Launching of the Angat Bayi: Transformative Feminist Leadership Program for Women in Los Baños, Laguna (March 9, 2026)

Sa ikalawang Lunes ng Marso 2026, pinangasiwaan ng Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Dr. Alvin A. Isidoro ang Weekly Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Matapos ang seremonya ay mainit na ibinahagi ni GAD Officer Karen L. Mercado ang pormal na paglulunsad ng Angat Bayi: Transformative Feminist Leadership Program for Women in Los Baños, Laguna, na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office, UPLB Office of the Vice Chancellor for Community Affairs, UPLB Gender Center, at UP Center for Women and Gender Studies, sa suporta ng mga tanggapan nina Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Myla Alinsunurin, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Bayi Inc. Co-Founder at Co-Executive Director Maya Tamayo, hinggil sa layunin ng feminist leadership movement na makapaglinang ng bagong henerasyon ng mga feminist leaders sa bayan ng Los Baños. Pinasalamatan din niya si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at ang buong Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa matibay nitong suporta sa programa. Nagbahagi naman ng institusyunal na mensahe si UPLB Vice Chancellor for Community Affairs Atty. Eric Paul D. Peralta, na nagpagtibay sa patuloy na ugnayan at pakikipagtulungan ng UPLB sa Pamahalaang Bayan. Samantala, nagpahayag naman ng pagpupugay si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa mga kababaihang Los Bañense at pinagtibay ang adhikaing “Abante, Babae sa Bayan ng Los Baños.”

Dumalo rin at nagbigay ng suporta si UPLB Gender Center Director Roselle V. Collado, gayundin ang mga Provincial Board Members ng Ikalawang Distrito ng Laguna na sina Hon. Tutti Caringal at Hon. Ninoy Bagnes. Nakiisa rin sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kabilang sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Jay A. Rolusta, at ABC President Gaudencio Macatangay. Naroon din ang mga Department at Unit Heads, ang DILG Family, mga kawani ng pamahalaan, mga kababaihang lider sa mga barangay, at iba’t ibang organisasyong pangkababaihan, na nagpapatunay ng nagkakaisang layunin na maisulong ang inklusibong pamumuno, serbisyong direktang sa tao, at ang tuloy-tuloy na pag-abante ng bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#AngatBAYI

#TransformativeFeministLeadershipProgram

#WomenInLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 431 Total Views

Related:


;