Local Youth Development Council (LYDC) and Sangguniang Kabataan (SK) in Los Baños strengthened skills through capacity building workshop on youth governance projects (March 7, 2026)
Ginanap ang Capacity Building ng Local Youth Development Council (LYDC) at Sangguniang Kabataan (SK) Officials nitong Marso 7, 2026 (Sabado) sa Municipal Multi-Purpose Hall kung saan nagkaroon ng Seminar-Workshop sa Project Planning, Proposal Making, at Pitching. Naging posible ang makabuluhang programa sa pagtutulungan ng University of the Philippines Los Baños College of Public Affairs and Development (UPLB-CPAf) at ng Local Youth Development Office (LYDO) ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon.
Sa pamamagitan ng serye ng mga talakayan at praktikal na workshop, aktibong tinukoy ng mga kalahok ang mga pangunahing suliranin sa bayan, nagsagawa ng stakeholder analysis, at bumuo ng mga panukalang proyekto na maaaring maisakatuparan sa kanilang mga barangay. Higit pa sa pagbibigay-kaalaman, pinalakas ng aktibidad ang kakayahan ng mga kabataang lingkod-bayan sa mahusay na pagpaplano, pagbuo, at pagpepresenta ng mga proyektong maghahatid ng positibong pagbabago at magsusulong sa patuloy na pag-abante ng bayan ng Los Baños.
#LocalYouthDevelopmentCouncil
#SangguniangKabataanOfficials
#ProjectPlanning
#ProposalMakingAndPitching
#UPLBCPAf
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
