MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park featured cultural performances in celebration of UPLB’s 117th Founding Anniversary (March 6, 2026)
Published date: Mar 7, 2026
Los Baños Sunset at the Park featured cultural performances in celebration of UPLB’s 117th Founding Anniversary (March 6, 2026)

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng pagkakatatag ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), naghandog ng makabuluhang pagtatanghal ang mga alagad ng sining sa Sunset at the Park nitong Marso 6, 2026 (Biyernes) sa General Paciano Rizal Park. Ito ay pinangasiwaan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na may mainit na suporta nila UP President Angelo "Jijil" Jimenez, UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr. at iba pang opisyal ng unibersidad at pamahalaan.

Tampok sa programa ang mga natatanging pagtatanghal mula sa mahuhusay na artista ng Philippine High School for the Arts (PHSA) sa pangunguna ni Director Greg Zuniega na tumugtog ng piano, Wincess Yana sa vocal, at Franz Tarang sa clarinet na nagpapakita ng kahusayan at lalim ng sining sa bayan. Pinatingkad din ang gabi ng mga kahanga-hangang pagtatanghal mula sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) kabilang sina Cae Laciste, Elisha Aedrienne, Koy Malisi, Miguel Banatin at Janessa Renee, na sumasalamin sa mayamang tradisyon ng sining at kultura sa pamantasan.

Sa paglalim ng dapithapon at paghimig ng mga awitin, higit na napagtibay ang ugnayan ng mga pamantasan at ng pamahalaan sa pagsusulong ng isang mas masigla at nagkakaisang pamayanan.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#117thUPLBFoundingAnniversary

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 308 Total Views

Related:


;