Lakbay Los Baños Heritage Walk held in celebration of UPLB’s 117th Founding Anniversary and local heritage awareness (March 6, 2026)
Matagumpay na isinagawa ang Lakbay Los Baños Heritage Walk nitong Marso 6, 2026 (Biyernes) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) at paggunita sa mayamang kasaysayan at pamana ng bayan ng Los Baños, Laguna.
Pinangunahan ang aktibidad ng Pamahalaang Bayan sa inisyatiba ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na mas pinatingkad ng pagdalo ng mga natatanging lider mula sa unibersidad at lokal na pamahalaan, kabilang sina UPLB Chancellor Jose Camacho, Vice Chancellor for Academic Affairs Dr. Agham Cuevas, Municipal Engineer Ricky Estopace, Municipal Tourism Officer Edmarie Calungsod, kasama ang iba pang opisyal, propesor, at kawani.
Sa bawat hakbang ng Heritage Walk, muling nabuhay ang mga kuwento ng nakaraan sa pagbisita sa mahahalagang pook na nagsilbing saksi sa paghubog ng kasaysayan ng Los Baños. Muling pinagtibay ng aktibidad ang mahalagang papel ng UPLB bilang katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kaalaman, serbisyo, at patuloy na pag-abante ng bayan.
#LakbayLosBaños
#HeritageWalk
#117thUPLBFoundingAnniversary
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
