Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) and Los Baños Operations Center (OpCen) facilities inspected to ensure swift emergency response during Semana Santa
Bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda para sa nalalapit na Semana Santa, nagsagawa ng pagbisita at monitoring si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Los Baños Operations Center (OpCen) at sa tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang personal na inspeksyunin ang mga kagamitan, pasilidad, at kabuuang kahandaan sa pagtugon sa anumang posibleng insidente sa panahon ng banal na paggunita.
Sa isinagawang inspeksyon, masusing sinuri ang iba’t ibang rescue equipment, communication devices, at iba pang mahahalagang kagamitang pang-emerhensiya upang matiyak na ang mga ito ay nasa maayos na kondisyon at handang magamit anumang oras. Layunin nitong mapanatili ang mabilis, episyente, at maaasahang pagtugon sa mga sitwasyong pangkaligtasan.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na kahandaan, pagiging maagap, at matibay na paninindigan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na sa panahon ng mga malalaking paggunita at pagtitipon.
#LosBañosOperationsCenter
#MDRRMO
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
