MENU
Philippine Standard Time:
SAFETY SEAL INSPECTION TULOY-TULOY NA ISINASAGAWA SA MGA ESTABLISYEMENTONG PANGKOMERSYO SA BAYAN NG LOS BAÑOS
Published date: Jul 13, 2021
SAFETY SEAL INSPECTION TULOY-TULOY NA ISINASAGAWA SA MGA ESTABLISYEMENTONG PANGKOMERSYO SA BAYAN NG LOS BAÑOS

Patuloy pa ring isinasagawa ng Safety Seal Certification Team ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagbisita at pag-inspect sa mga establisyementong pangkomersyo na nais magkaroon ng Safety Seal Certification sa bayan ng Los Baños.

Ngayong araw ay tatlo (3) sa limang establisyementong binisita sa ating bayan ang nabigyan ng Safety Seal Certification.

Patuloy pa rin ang gagawing pag-iinspeksiyon ng naturang team mula sa pamahalaang bayan upang masiguro na ang mga pampubliko at pribadong establisyemento sa ating lokalidad ay nagpapatupad ng mga panuntunang sisiguro sa kaligtasan ng mga mamamayan laban sa COVID-19.

Regular nang mag-iinspeksyon ang team tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

 521 Total Views

Related: