Oath Taking Ceremony of Ms. Danica G. Balingit as new Barangay Bagong Silang Treasurer witnessed by local Officials and led by Mayor Neil Andrew N. Nocon (March 5, 2026)
Nanguna si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa panunumpa sa tungkulin ni Ms. Danica G. Balingit bilang bagong Ingat-Yaman ng Barangay Bagong Silang. Sinaksihan at sinuportahan ang seremonya nina Brgy. Captain Rogelio N. Delos Reyes, Brgy. Secretary Melody C. Dumawal, at Brgy. Employment and Livelihood Committee (BELC) Susana R. Delos Reyes.
Sa kanyang mensahe, pinagtibay ng ating Punong Bayan ang kahalagahan ng integridad, dedikasyon, at tapat na paglilingkod bilang pundasyon ng mahusay na pamamahala sa barangay. Ayon sa kanya, mahalaga ang maayos na pangangasiwa ng pondo at dokumento upang matiyak ang maaasahan at episyenteng serbisyo para sa mga residente.
Tiniyak din ni Mayor Nocon ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan upang mapalakas ang kapasidad ng bagong Ingat-Yaman sa epektibong pagtupad ng kanyang tungkulin, bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na higit pang paigtingin ang serbisyong direktang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan ng Barangay Bagong Silang.
#BarangayBagongSilang
#BarangayTreasurer
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
