Mayor Nocon expressed full support for Los Baños Taekwondo Titans During (TKD) courtesy visit and training session (March 4, 2026)
Nagpakita ng buong pusong suporta si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Los Baños Taekwondo Titans nitong Marso 4, 2026 (Miyerkules) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center backstage. Sa kanyang pagdalaw, personal na kinumusta ng Punong Bayan ang mga manlalaro at kanilang coach, at pinuri ang kanilang ipinapakitang dedikasyon, disiplina, at patuloy na pagsisikap sa larangan ng Taekwondo. Hinikayat din niya ang koponan na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay at determinasyon sa pag-abot ng mas mataas na antas ng tagumpay.
Binigyang-diin ni Mayor Nocon na ang tagumpay ng bawat atletang Los Bañense ay itinuturing na tagumpay ng buong bayan. Kaugnay nito, patuloy ang Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng mga programang naglalayong palakasin ang kabataang atleta bilang bahagi ng paghubog ng mas disiplinado, mas matatag, at mas ipinagmamalaking Los Baños.
#LosBañosTKDTitans
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
