Los Baños Heritage Walk Phase 1 Pathways and Lamp Posts Construction inspected (March 4, 2026)
Pinangasiwaan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Marso 4, 2026 (Miyerkules) ang inspeksyon sa konstruksyon ng pathways at installation ng lamp posts kaugnay ng isinasagawang Heritage Walk Phase 1 sa bayan ng Los Baños. Sa isinagawang pag-iikot, personal na sinuri ng ating Punong Bayan ang kasalukuyang progreso ng proyekto upang matiyak na ang lahat ng gawain ay naaayon sa itinakdang pamantayan ng kalidad, seguridad, at disenyo ng imprastruktura.
Binigyang-halaga ni Mayor Nocon ang importansya ng dekalidad na imprastruktura na magsisilbing kaakit-akit at ligtas na pasyalan para sa lahat. Sa pagtatayo ng Heritage Walk Project, higit pang pinagtitibay ang hangarin ng Pamahalaang Bayan na gawing isang maipagmamalaking atraksyon ang bayan ng Los Baños.
#HeritageWalkPhase1
#ConstructionOfPathways
#InstallationOfLampPosts
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
