Inspection of the Old Pier/Yatco Pier of Los Baños (March 4, 2026)
Bilang bahagi ng pagsusulong sa pangangalaga ng kultura at kasaysayan, personal na binisita ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ang Lumang Pantalan (Old Pier/Yatco Pier) ng Los Baños nitong Marso 4, 2026 (Miyerkules). Isa ito sa mga atraksyon na isasailalim sa maayos na rehabilitasyon at magiging bahagi ng kasalukuyang programa ni Mayor Nocon na Lakbay Los Baños Heritage Walk kung saan naipapakilala sa publiko ng ating makasaysayang yaman.
Pinapahalagahan ng pagbisita ang pantalan bilang natatanging pamana ng pinagmulan at pagkakakilanlan ng Los Baños, na patuloy na nag-uugnay sa nakaraan at kasalukuyan ng ating bayan.
#OldPantalan
#LakbayLosBaños
#HeritageWalk
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
