Barangay Volunteer Workers (BVW) conducted Courtesy call with Mayor Nocon to present community programs and 4K Advocacy (March 3, 2026)
Nagsagawa ng courtesy call kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang Barangay Volunteer Workers (BVW) nitong Marso 3, 2026 (Martes) sa Tanggapan ng Punong Bayan. Sa nasabing pagpupulong, ipinrisenta ng BVW ang kanilang mga naisakatuparang proyekto at mga nakalatag pang gawain para sa bayan. Tinalakay din ang patuloy nilang ambag sa mga programang pangkomunidad na layuning palakasin ang partisipasyon ng mga mamamayan sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan.
Sa lakas ng 87 miyembro, isinusulong ng BVW ang adbokasiyang 4K: Kalinisan, Kalusugan, Kalikasan, at Kabuhayan, na nagsisilbing katuwang sa mga programa ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Nocon tungo sa mas disiplinado, mas ligtas, at mas umaabanteng bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
