Batong Malake Public Market underwent inspection to ensure safety, cleanliness, and operational efficiency (March 4, 2026)
Muling nagsagawa ng masusing inspeksyon si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Batong Malake Public Market nitong Marso 4, 2026 (Miyerkules) upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at pangkalahatang kondisyon ng pasilidad para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayan. Kasama sa pag-iikot ang Municipal Engineer Ricky Estopace, Engr. Tristee Rio Lipit, Market Supervisor III Jonard Pua, Market Consultant Maria Carlyn Medel, Batong Malake Public Market Vendors Association (BMPMVA) President Clarita Basye, Market Guards Team Leader Cecilio Villamayor, at Market Contractors Jomar & Jovee De Juras. Personal nilang sinuri ang estruktura, kalinisan, at iba pang mahahalagang bahagi ng pamilihan upang matiyak ang maayos nitong operasyon.
Mariing iginiit ng Punong Bayan na nananatiling pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Bayan ang kaligtasan at kapakanan ng publiko. Kaugnay nito, tiniyak ang agarang pagtugon sa mga kinakailangang pagkukumpuni at pagpapahusay upang mapanatiling maayos, ligtas, at maaliwalas ang pamilihang bayan.
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapatibay ng mga hakbangin na magpapalakas sa seguridad at maghahatid ng mas episyente at dekalidad na serbisyo para sa bawat Los Bañense.
#PublicMarketInspection
#BatongMalakePublicMarket
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
