Los Baños Heritage Sites Inspection Conducted at UPLB Pook Pinagtatagan and PNR Area (March 3, 2026)
Personal na nagsagawa ng inspeksyon si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon kasama si Municipal Engineer Ricky Estopace at Brgy. Bambang Captain Hon. Arlene Delos Santos nitong Marso 3, 2026 (Martes) sa University of the Philippines Los Baños College of Agriculture (Pook Pinagtatagan) bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa makasaysayang pamana ng bayan ng Los Baños.
Sa isinagawang pagbisita, tinalakay at sinuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga estrukturang may historikal na kahalagahan sa lugar. Bumisita rin ang grupo sa pasilidad ng Philippine National Railways upang tingnan ang kondisyon nito at palakasin ang mga hakbang para sa pagpapanatili at proteksyon ng mga istrukturang may makasaysayang halaga.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng matibay na paninindigan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na ang kasaysayan ng bayan ay hindi lamang inaalala, kundi aktibong pinangangalagaan at pinapahalagahan bilang mahalagang pundasyon ng mas matatag at mas maunlad na kinabukasan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
