Municipality of Los Baños and BJMP expressed gratitude to Jail Chief Inspector Charles Kenneth M. Maquera for dedicated service at Los Baños Municipal Jail (March 3, 2026)
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Los Baños Municipal Jail, kay Jail Chief Inspector (JCINSP) Charles Kenneth M. Maquera sa kanyang 1 taon at 5 buwang tapat at dedikadong paglilingkod.
Sa kanyang panunungkulan, matagumpay niyang pinangasiwaan ang operasyon ng pasilidad, pinabuti ang kalagayan at kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), at tiniyak ang maayos na pagpapatupad ng seguridad sa loob ng pasilidad bilang bahagi ng pangkalahatang kapayapaan at kaayusan ng komunidad.
Ang Pamahalaang Bayan ay taos-pusong nagpapaabot ng hangarin ng tagumpay sa kanyang bagong misyon sa Imus City Jail Male Dorm. Maraming salamat sa ipinamalas na serbisyo, dedikasyon, at malasakit na nagsilbing huwaran ng integridad at propesyonalismo sa hanay ng BJMP-Los Baños at ng buong pamayanan.
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
