Los Baños Sunset at the Park feat. G Duo (Rendel & Denver) (March 1, 2026)
Weekend well spent sa Los Baños Sunset at the Park sa unang araw ng Marso 2026 (Linggo) sa General Paciano Rizal Park, na naghatid ng isa na namang relaxing at inspiring Sunday para sa mga Los Bañense. Tampok sa programa ang heartfelt performance ng G Duo (Rendel & Denver) na nagbahagi ng good vibes, aliw, at inspirasyon sa buong dapithapon. Ang kanilang musika ay nagbigay ng panibagong sigla at saya sa mga dumalo, habang pinapatibay ang diwa ng komunidad at pagkakaisa.
Ang Sunset at the Park ay bahagi ng adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na layuning makapagbigay ng mga pampublikong espasyong nagbubuklod sa mamamayan at nagpapaigting ng pagpapahalaga sa sining, kultura, at sama-samang pagkakaisa.
#SunsetAtThePark
#GeneralPacianoRizalPark
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
