Weekly Flag Raising Ceremony (1st Monday of March 2026)
Pinangunahan ng Gender and Development (GAD) Office ang Flag Raising Ceremony para sa unang Lunes ng Marso 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Sa ulat ni GAD Officer Karen Lagat-Mercado, ibinahagi niya ang mga naisakatuparan at mga paparating na aktibidad ng kanilang tanggapan kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “Lead the Babaylans, Filipinas.” Buong galak din niyang inanunsyo na opisyal nang kabahagi ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa shortlisted Municipalities ng Gender and Development (GAD) Local Learning Hub (LLH) Certification ng Philippine Commission on Women (PCW) noong Disyembre 2025. Isa itong patunay ng patuloy na pagsusulong ng bayan sa adbokasiya ng gender equality at women empowerment.
Nagbahagi rin si Municipal Agriculturist Cheryll Laviña-Gonzales ng mga nakahanay na aktibidad ng kanilang tanggapan para sa Marso 2026 bilang pagdiriwang ng Rabies Awareness Month na may temang “Rabies-free na pusa't aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino,” na naglalayong palakasin ang kamalayan at responsableng pag-aalaga ng hayop para sa kaligtasan ng bayan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Nocon ang lahat na makiisa at suportahan ang mga programang inihanda ng lokal na pamahalaan kaugnay ng National Women’s Month, Rabies Awareness Month, Fire Prevention Month, at iba pang gawain ng iba’t ibang tanggapan. Pinuri rin niya ang dedikasyon ng bawat kawani sa mahusay na paglilingkod at hinamon ang lahat na patuloy na maghatid ng serbisyong diretso sa tao para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Nakiisa sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta, kasama ang mga Department at Unit Heads at mga kawani ng pamahalaan, na sama-samang nagpamalas ng pagkakaisa at suporta sa mga adhikain ng bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
