Mayor Nocon supported Gawad Lawa 2026 honoring educators and community partnership at Malinta Elementary School (February 27, 2026)
Masayang sinuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang Gawad Lawa 2026 ng Malinta Elementary School nitong Pebrero 27, 2026 (Biyernes), na may temang “Pagkilala sa Kahusayan ng Guro at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad.” Sa nprograma aypinarangalan ang mga guro at non-teaching personnel na nagpakita ng natatanging dedikasyon, kahusayan, at malasakit sa larangan ng edukasyon at serbisyong pampaaralan. Kinilala rin ang kanilang aktibong pakikipagtulungan sa komunidad upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng pagtuturo at kapakanan ng mga mag-aaral.
Kasabay ng pagkakaloob ng mga parangal ay isinagawa rin ang oath-taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG), bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kabataan sa pagsusulong ng liderato at responsableng paglilingkod sa loob ng paaralan.
Ang seremonyang ito ay nagsilbing inspirasyon sa lahat upang patuloy na magsikap, magkaisa, at maglingkod para sa kahusayan, kaalaman, at kabutihan ng komunidad at ng bawat kabataang Los Bañense.
#GawadLawa2026
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
