MENU
Philippine Standard Time:
ILANG PAMILYANG BENEPISYARYO NG 4PS, KINILALA ANG PAGTATAPOS SA GINANAP NA PUGAY TAGUMPAY
Published date: Jul 8, 2021
ILANG PAMILYANG BENEPISYARYO NG 4PS, KINILALA ANG PAGTATAPOS SA GINANAP NA PUGAY TAGUMPAY

Limang pamilya ang kinilala para sa pagtatapos ng mga ito bilang benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kahapon sa seremonyang Pugay Tagumpay.

Pinagkalooban sila ng sertipiko sa pangunguna ni Mayor “Kuya Tony” Kalaw at Municipal Social Welfare and Development Officer Hanna Erika Laviña.

Ayon kay Municipal Link and Project Development Officer II Nancy Quiñones, ang mga nagtapos na pamilya ay iyong wala nang mga anak na may edad 0 hanggang 18 taong gulang.

Sa huling tala noong Pebrero, aniya mayroong kabuuang 62 mga pamilyang benepisyaryo na ang magtatapos ngayong taon.

Dahil sa pandemya ay hindi na muna nagsasagawa ng malawakan at maramihang seremonya ang kanilang opisina upang masiguro ang kaligtasan ng lahat mula sa COVID-19.

 75 Total Views

Related: