Mayor Neil Nocon joined the 3rd Gawad Parangal of Maahas Elementary School honoring education stakeholders and partners (February 27, 2026)
Nakibahagi si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Ikatlong Gawad Parangal ng Maahas Elementary School nitong Pebrero 27, 2026 (Biyernes) na may temang “Puso para sa Edukasyon: Celebrating Hearts that Serve.” Binigyang-pugay sa programa ang mga indibidwal at katuwang ng paaralan sa ilalim ng Stakeholder Category, Special Category, at Individual Category bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag at walang sawang suporta sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.
Sa pagtitipon, muling pinagtibay ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng paaralan, pamahalaan, at komunidad sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan. Ipinakita rin ng programa na ang tunay na tagumpay sa edukasyon ay bunga ng sama-samang pagkilos, malasakit, at pusong naglilingkod para sa kapakanan ng bawat kabataang Los Bañense.
#3rdGawadParangal
#PusoParaSaEdukasyon
#CelebratingHeartsThatServe
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
