MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Nocon led the Oath Taking Ceremony of newly elected officers of the Los Baños Federation of Senior Citizens, Inc. (LBFSCI) (February 27, 2026)
Published date: Feb 27, 2026
Mayor Nocon led the Oath Taking Ceremony of newly elected officers of the Los Baños Federation of Senior Citizens, Inc. (LBFSCI) (February 27, 2026)

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Pebrero 27, 2026 (Biyernes) ang Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Los Baños Federation of Senior Citizens Inc. (LBFSCI), isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapalakas ng sektor ng mga nakatatanda sa bayan ng Los Baños. Nanumpa sa tungkulin sina Pangulo Andres Alforja (Malinta), Pangalawang Pangulo Francisco Gabiola (San Antonio), Kalihim Ellen Ancajas (Mayondon), Ingat-Yaman Priscilla Barcial (Bambang), Auditor Jeomy Lui Chee (Anos), at P.R.O. Leopoldo Luma (Maahas). Itinalaga rin bilang Business Managers sina Norma Dimaano (Lalakay) at Lolita Valencia (Timugan), habang magsisilbing Board of Trustees sina Almario Valdesoto (Tadlac), Emilia Sevilla (Bagong Silang), at Virgilio Tandang (Bayog).

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang mahalagang papel ng mga senior citizen sa komunidad at ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nagtataguyod ng kanilang kapakanan, dignidad, at aktibong pakikilahok sa lipunan.

Ang panunumpa ng bagong pamunuan ay sumisimbolo sa panibagong yugto ng pagkakaisa at mas masiglang paglilingkod para sa sektor ng mga nakatatanda. Taos-pusong pagbati sa bagong hanay ng mga opisyal ng Los Baños Federation of Senior Citizens Inc. at hangad ang matagumpay nilang pamumuno para sa kapakanan ng mga senior citizen ng bayan.

#LosBañosFederationOfSeniorCitizensInc

#SeniorCitizensOfLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 337 Total Views

Related:


;