MENU
Philippine Standard Time:
Lakbay Los Baños Heritage Walk and Regional Tour Guiding Course of the Department of Tourism IV-A highlighted the town’s rich history and cultural heritage (February 27, 2026)
Published date: Feb 27, 2026
Lakbay Los Baños Heritage Walk and Regional Tour Guiding Course of the Department of Tourism IV-A highlighted the town’s rich history and cultural heritage (February 27, 2026)

Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, ang mga tour guides ng Department of Tourism CALABARZON sa isinagawang Lakbay Los Baños Heritage Walk nitong Pebrero 27, 2026 (Biyernes).Layunin ng pagbisitang ito na higit na palalimin ang kanilang kaalaman sa kasaysayan, kultura, at mahahalagang pamanang lugar ng bayan bilang bahagi ng kanilang professional development at patuloy na pag-unlad sa larangan ng turismo. Sa pamamagitan ng Heritage Walk, naipakilala sa mga kalahok ang mayamang kasaysayan at natatanging pagkakakilanlan ng Los Baños bilang isa sa mga makasaysayang bayan sa lalawigan ng Laguna.

Naging mas makahulugan pa ang aktibidad sa pakikiisa nina Vinevicion Lopez Villaruz at Doriz Villaruz, asawa at apo ni General Paciano Rizal, na nagbahagi ng mahalagang koneksyon sa kasaysayan at pamana ng bayan. Ang kanilang presensya ay nagbigay-buhay at dagdag na saysay sa makasaysayang paglalakbay.

Sa bawat hakbang ng Lakbay Los Baños Heritage Walk, muling pinagtibay ang adhikain ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan at maitaguyod ang mayamang kasaysayan ng bayan habang pinapalakas ang kakayahan ng mga tour guide bilang mga tagapagsalaysay ng ating kultura at pamana. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsusulong ng de-kalidad at makabuluhang turismo tungo sa mas maunlad na Los Baños.

#LakbayLosBaños

#HeritageWalk

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 332 Total Views

Related:


;