UPLB General Education Director April Hope T. Castro paid courtesy visit to Mayor Neil Andrew N. Nocon to discuss academic and community collaboration initiatives (February 25, 2026)
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng akademya at lokal na pamahalaan, bumisita si Ms. April Hope T. Castro, Director ng General Education (GE) ng University of the Philippines Los Baños, sa Tanggapan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Pebrero 25, 2026 (Miyerkules). Ang courtesy visit ay nagsilbing pagkakataon upang talakayin ang mga programang maaaring pagtulungan para sa kapakinabangan ng bayan ng Los Baños.
Sa naturang pagpupulong, napag-usapan ang mga posibleng kolaborasyon sa larangan ng edukasyon at community engagement na maaaring ipatupad sa pamamagitan ng sama-samang inisyatiba ng lokal na pamahalaan at akademikong institusyon. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng General Education sa paghubog ng mga kritikal na mag-isip, responsableng mamamayan, at aktibong kalahok sa lipunan.
Ipinahayag naman ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang patuloy nitong suporta sa mga programang nagtataguyod ng inklusibo at makabuluhang pag-unlad, bilang bahagi ng layuning palakasin ang ugnayan ng edukasyon at komunidad para sa pangmatagalang kaunlaran ng bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
