MENU
Philippine Standard Time:
DepEd Los Baños and Municipality of Los Baños held meeting to explore collaborative programs for strengthening education and youth development Initiatives (February 25, 2026)
Published date: Feb 26, 2026
DepEd Los Baños and Municipality of Los Baños held meeting to explore collaborative programs for strengthening education and youth development Initiatives (February 25, 2026)

Nagkaroon ng mahalagang pagpupulong kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang Department of Education Los Baños sa pangunguna ni Schools District Supervisor Dr. Soledad S. Villanueva, kasama ang mga School Heads, nitong Pebrero 25, 2026 (Miyerkules), upang talakayin ang mga posibleng kolaborasyon sa hinaharap na magpapalakas sa mga programa at serbisyong pang-edukasyon para sa mga mag-aaral at paaralan. Sa pagpupulong, pinagtuunan ng pansin ang iba’t ibang proyekto at inisyatiba na maaaring pagtulungan ng lokal na pamahalaan at mga paaralan. Kabilang dito ang mga programang pang-edukasyon, cultural at arts activities, at mga community development initiatives na layuning higit pang mapabuti ang kalidad ng pagkatuto at paghubog sa kabataan.

Ang pagtitipong ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapalakas ng ugnayan sa sektor ng edukasyon at sa pagsusulong ng mga makabuluhang pakikipagtulungan na naglalayong paunlarin ang bayan at kapakanan ng mga mag-aaral.

#DepEdLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 357 Total Views

Related:


;