MENU
Philippine Standard Time:
6-WHEELER DUMPTRUCK IPINAGKALOOB NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS SA BARANGAY TIMUGAN
Published date: Jul 8, 2021
6-WHEELER DUMPTRUCK IPINAGKALOOB NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS SA BARANGAY TIMUGAN

Ipinagkaloob kahapon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw sa Barangay Timugan sa pamamagitan ni Kapitan Francisco "Jeff" A. Dumangas ang isang 6-wheeler dump truck.

Layunin ng pagbibigay ng naturang dump truck na matulungan ang Barangay Timugan sa pangongolekta ng kanilang mga basura.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Kapitan Dumangas kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Timugan sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños at kay Mayor Kalaw sa pagtupad umano sa kanilang kahilingan na mahatian sila sa pagbili ng isang (1) unit ng dump truck para sa kanilang barangay.

Dagdag pa ni Kapitan Dumangas, napakalaking tulong nito lalo na sa kanilang garbage truck driver at mga kolektor ng basura sapagkat ang lumang truck na kanilang ginagamit ay lagi na umanong nasisira, at sa pamamagitan ng bagong dump truck na ito ay mabilis na nilang matutugunan ang pagkolekta at paghakot sa basura sa mga nasasakupan ng kanilang barangay.

 78 Total Views

Related: