MENU
Philippine Standard Time:
Tsikiting Children’s Theater Workshop, KABATA Teen Theater Workshop, and LIKHANDULA Theater Workshop for College Students held in celebration of National Arts Month 2026 (February 25, 2026)
Published date: Feb 25, 2026
Tsikiting Children’s Theater Workshop, KABATA Teen Theater Workshop, and LIKHANDULA Theater Workshop for College Students held in celebration of National Arts Month 2026 (February 25, 2026)

Sa diwa ng pagkakaisa at pagdiriwang ng National Arts Month (NAM) 2026 na may temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting,” matagumpay na nagsagawa ng serye ng Theater Workshops ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Pebrero 25, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Los Baños Tourism Office, katuwang ang Arts Research and Training Institute in Southern Tagalog, Inc. (ARTIST, Inc.) sa pangunguna nina Chairperson Rica Palis at Edward Perez, at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) National Committee on Dramatic Arts.

Ang mga isinalang na workshop ay kinabibilangan ng Tsikiting Children’s Theater Workshop, KABATA Teen Theater Workshop, at LIKHANDULA Theater Workshop for College Students. Nagsilbing plataporma ang mga ito upang maipamalas ng kabataang Los Bañense mula sa iba’t ibang antas ng paaralan ang kanilang husay sa pag-arte, pagbigkas, at malikhaing pagpapahayag.

Higit pa sa pagsasanay, naging makabuluhang espasyo ang mga workshop upang maitanim sa kamalayan ng kabataan ang kahalagahan ng sining bilang instrumento ng katotohanan, tapang, at pagpapahalaga sa kultura. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, aktibong katuwang ang lokal na pamahalaan sa patuloy na pagpapaunlad ng sining at kultura bilang bahagi ng pangangalaga at pagpapayabong ng mayamang pamana ng Los Baños.

#NationalArtsMonth2026

#TsikitingChildrensTheaterWorkshop

#KABATAteenTheaterWorkshop

#LIKHANDULATheaterWorkshopforCollege

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 343 Total Views

Related:


;