MENU
Philippine Standard Time:
Lakbay Los Baños Heritage Walk with National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Artist Inc., and LB Times highlighted local history and cultural heritage sites (February 25, 2026)
Published date: Feb 25, 2026
Lakbay Los Baños Heritage Walk with National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Artist Inc., and LB Times highlighted local history and cultural heritage sites (February 25, 2026)

Muling isinagawa ang Lakbay Los Baños Heritage Walk ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Los Baños Tourism Office nitong Pebrero 25, 2026 (Miyerkules), na nilahukan ng mga kinatawan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Artist Inc., at LB Times.

Layunin ng aktibidad na higit pang palalimin ang kamalayan at pagpapahalaga sa mayamang kasaysayan at pamanang kultura ng bayan sa pamamagitan ng pagbisita sa mga mahahalagang heritage sites sa Los Baños. Sa bawat paghinto sa mga makasaysayang lugar, naipakilala ang mahahalagang yugto ng lokal na kasaysayan na humubog sa pagkakakilanlan ng bayan. Dinalaw rin ng mga kalahok ang “War of Our Fathers: A Brotherhood of Heroes” exhibit ng Philippine Veterans Bank na matatagpuan sa Municipal Activity Area. Ang nasabing exhibit, na bukas sa publiko hanggang Marso 6, 2026, ay nagbibigay-pugay sa kabayanihan ng mga beterano at nagsisilbing paalala ng kanilang mahalagang ambag sa kasaysayan ng bansa.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang adhikain nitong mapangalagaan, maipreserba, at maipamana sa susunod na henerasyon ang mayamang kultura at kasaysayan ng bayan.

#LakbayLosBaños

#HeritageWalk

#WarOfOurFathers

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 389 Total Views

Related:


;