MENU
Philippine Standard Time:
New Garbage Truck turned over to Barangay Maahas to enhance solid waste management and improve community cleanliness in Los Baños (February 24, 2026)
Published date: Feb 24, 2026
New Garbage Truck turned over to Barangay Maahas to enhance solid waste management and improve community cleanliness in Los Baños (February 24, 2026)

Isang mahalagang hakbang para sa mas malinis at mas maayos na bayan ang isinakatuparan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pamamagitan ng pormal na turnover ng bagong garbage truck sa Barangay Maahas na pinamumunuan ni Kapitan Ferdinand “Jeck” Vargas nitong Pebrero 24, 2026 (Martes).

Buong galak itong tinanggap ng mga opisyal ng barangay kasama sina Brgy. Councilors Hon. Eva Marie Lasanas, Hon. Bernardo Bautista, Hon. Caridad Lanuang, Hon. Gerardo Lantican, Brgy. Admin Jennifer Vargas, at Brgy. Treasurer Lilibeth Atanacio, bilang simbolo ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga barangay at sa kanilang mga serbisyong pangkomunidad.

Ang inisyatiba ay bahagi ng pagpapalakas ng solid waste management program ng bayan upang mas mapabilis ang koleksyon ng basura at mapanatili ang kalinisan sa barangay. Sa pamamagitan ng karagdagang kagamitang ito, inaasahang mas mapangangalagaan ang kalusugan ng mga residente at maisusulong ang layuning magkaroon ng pangmatagalang kaayusan, kalinisan, at kaunlaran sa bayan ng Los Baños.

#GarbageTruckTurnOver

#BarangayMaahas

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 345 Total Views

Related:


;