MENU
Philippine Standard Time:
Municipal Technical Action Committee (MTAC) Training on BIDANI Strategy conducted in Los Baños to bolster local nutrition planning and program implementation (February 19, 20 & 24, 2026)
Published date: Feb 24, 2026
Municipal Technical Action Committee (MTAC) Training on BIDANI Strategy conducted in Los Baños to bolster local nutrition planning and program implementation (February 19, 20 & 24, 2026)

Matagumpay na isinagawa ang Municipal Technical Action Committee (MTAC) Training on BIDANI Strategy nitong Pebrero 19, 20, at 24, 2026 sa Municipal Multipurpose Hall sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office na pinangungunahan ni Ms. Madeleine Alforja, katuwang ang University of the Philippines Los Baños – College of Human Ecology, Institute of Human Nutrition and Food sa ilalim ng BIDANI Program at katulong din ang DILG- Laguna sa pamumuno ni Provincial Director Jay Beltran. Personal ding sinuportahan at dinaluhan ito nina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Hon. Councilor Mec Dizon, Councilor on Health, Nutrition and Sanitation, bilang patunay ng kanilang matibay na adbokasiya para sa kalusugan at nutrisyon ng bawat Los Bañense.

Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng BIDANI bilang isang Nutrition and Development Strategy, ang implementasyon nito sa lokal na antas, at ang Action Planning ng Municipal Technical Action Committee (MTAC). Pinagtibay nito ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon, data-based na pagpaplano, at aktibong partisipasyon ng iba’t ibang sektor upang mas maging epektibo ang mga programang pangnutrisyon sa mga barangay.

Higit rin nitong napalakas ang kakayahan ng MTAC sa pagbuo ng konkretong mga plano at estratehiyang tutugon sa mga hamon ng malnutrisyon, isa muling umaabanteng hakbang tungo sa mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na bayan ng Los Baños.

#MunicipalTechnicalActionCommittee

#MTACTraining

#BIDANIstrategy

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 355 Total Views

Related:


;