Los Baños Solo Parent Federation conducted monthly meeting to review programs and strengthen support services for solo parents (February 22, 2026)
Matagumpay na isinagawa ang regular monthly meeting ng Los Baños Solo Parent Federation kasama si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) nitong Pebrero 22, 2025 (Linggo) sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Sa naturang pagpupulong, naging makabuluhan ang talakayan hinggil sa mga umiiral na programa para sa solo parents, mga kasalukuyang hamon na kinahaharap ng sektor, at mga suhestiyon mula sa mga kinatawan ng pederasyon. Tinalakay din ang mga posibleng hakbang upang higit pang mapalakas at mapalawak ang mga serbisyong nakalaan para sa mga solo parent sa bayan.
Sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga adhikain ng Expanded Solo Parents Welfare Act upang matiyak ang sapat na suporta, proteksyon, at oportunidad para sa bawat solo parent. Nagpahayag din ng pasasalamat ang pamahalaan sa aktibong partisipasyon ng pederasyon at mga katuwang na institusyon na patuloy na nagbibigay-lakas sa sektor ng solo parents sa Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
