Film Showing of “Unsurrendered 2: The Hunters ROTC Guerrillas” held in Los Baños in commemoration of the 81st Liberation Anniversary of the Internment Camp (February 23, 2026)
Bilang bahagi ng paggunita ng ika-81 taong anibersaryo ng pagpapalaya sa bilangguang kampo ng Los Baños, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Ms. Edmarie Calungsod, ang isang makabuluhang film showing ng “Unsurrendered 2: The Hunters ROTC Guerrillas” nitong Pebrero 23, 2026 (Lunes) sa Municipal Audio-Visual Room.
Tampok sa film showing ang mahahalagang yugto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kabayanihan, sakripisyo, at katatagan ng mga Pilipinong gerilya na buong tapang na lumaban para sa kalayaan ng bansa. Sa pamamagitan ng makasaysayang salaysay, naipakita ang diwa ng pakikibaka ng mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng susunod na henerasyon.
Higit na pinalalim ng aktibidad ang kaalaman at pagpapahalaga ng komunidad, lalo na ng kabataan, sa kasaysayan ng Los Baños at sa mahalagang papel nito noong panahon ng digmaan. Patuloy din nitong binibigyang-buhay ang diwa ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na hinuhubog ng mga aral mula sa nakaraan at nagsisilbing gabay sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Los Baños.
#81stLiberationOfLBInternmentCamp
#Unsurrendered2
#TheHuntersROTCGuerrillas
#FilmShowing
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
