War of Our Fathers: A Brotherhood of Heroes exhibit held in Los Baños to honor veterans and Commemorate 81st Anniversary of the Liberation of the Los Baños Internment Camp (February 23, 2026)
Buong pusong nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa “War of Our Fathers: A Brotherhood of Heroes,” isang exhibit na inihandog ng Philippine Veterans Bank sa pakikipagtulungan ng Philippine Veterans Affairs Office nitong Pebrero 23, 2026 (Lunes) sa Municipal Activity Area, bilang bahagi ng paggunita sa ika-81 taong anibersaryo at pagpapalaya sa bilangguang kampo ng Los Baños.
Ang nasabing exhibit ay nagtatampok ng mga larawan, dokumento, at personal na kagamitan ng mga beterano na nagsilbing buhay na saksi ng kanilang kabayanihan. Sa pamamagitan nito, muling binubuhay ang alaala ng kanilang sakripisyo at hinuhubog ang diwa ng patriotismo, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan, lalo na sa hanay ng kabataan. Ginanap ang programa bilang pagkilala at pagdiriwang sa kabayanihan ng ating mga beterano, na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon na pahalagahan ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan.
Naghatid ng makahulugang mensahe sina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Eulogio V. Cabataran III, na kapwa binigyang-diin na ang pag-alala sa kabayanihan ng mga beterano ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi isang panawagan na isabuhay ang pagkakaisa, malasakit, at makabayang paglilingkod. Ang pagdiriwang ay nagsilbing paalala na ang kalayaan at kapayapaang tinatamasa ngayon ay bunga ng kanilang tapang at sakripisyo, isang pamana ng kagitingan na dapat pahalagahan at ipagpatuloy ng susunod na henerasyon.
#WarOfOurFathers
#ABrotherhoodOfHeroes
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
