MENU
Philippine Standard Time:
PANUNUMPA SA TUNGKULIN NG MGA BAGONG OPISYAL NG POBLACION PUBLIC MARKET VENDORS' ASSOCIATION, ISINAGAWA
Published date: Jul 8, 2021
PANUNUMPA SA TUNGKULIN NG MGA BAGONG OPISYAL NG POBLACION PUBLIC MARKET VENDORS' ASSOCIATION, ISINAGAWA

Pinangunahan kahapon ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng Poblacion Public Market Vendors' Association.

Sa naturang aktibidad ay nanumpa ng kanilang katapatan sa kanilang mga katungkulan ang mga bagong opisyales ng naturang samahanan ng mga vendor at nangakong gagampanan nila ng maayos at marangal ang tungkuling nakaatang sa kanila ng walang pasubali.

Mensahe naman ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ang ibinigay ni Mayor Kalaw sa mga dumalo sa aktibidad kasabay ang panawagan sa mga vendor na panatilihing maayos, malinis at magkaisa sa pagpapaunlad ng palengke ng ating bayan upang muling maibangon ang ekonomiya ng Los Baños.

Kasama rin sa mga naging panauhin sa naturang aktibidad sina 2nd District Congresswoman Ruth Mariano Hernandez at Vice Mayor Josephine Sumangil.

 141 Total Views

Related: